Primetime Kings - Piolo, Dingdong & Echo - together in Clear Shampoo TV Commercial

Pinagsama-sama sa iisang TV commercial ang tatlong higanteng Primetime Kings ng Philippine TV. Timing na timing ang pagpapalabas ng Clear Shampoo sa pinakabago nitong TV ad kung saan makikita ang unang pagsasama nina Jericho Rosales ng Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN), Dingdong Dantes ng Stairway to Heaven (GMA Network) at Piolo Pascual ng Lovers in Paris (ABS-CBN).

Matatandaang nauna nang nagsama sina Piolo at Dingdong para sa TV ad ng Ponds samantalang ang isa pang primetime king na si Richard Gutierrez ay malamang na hindi makukuha ng Clear para sa commercial na ito dahil affiliated ang aktor sa rival brand nitong Head and Shoulders.
Share on Google Plus

About ATBP Admin

0 comments:

Post a Comment