Sunshine Dizon at Nadine Samonte sa Tinik sa Dibdib


Opisyal nang kinumpirma ng GMA Network na papalitan na ang lead star ng Sinenovelang Tinik sa Dibdib na si Sunshine Dizon. Sa isang press release, ipinakilala si Nadine Samonte na siyang papalit sa karakter na ginagampanan ni Sunshine.

Health reasons di umano ang rason kung bakit hindi magagampanan ni Sunshine ang papel sa teleserye. Ayon naman sa kanyang ina, ang mga bali-balitang buntis di umano ang anak ay hindi totoo. Hindi rin naman kinumpirma nito ang anumang gulo sa pagitan ng relasyon ng kanyang anak sa boyfriend nitong kapatid ni Tanya Garcia.

Maaring tumigil na rin si Sunshine sa showbiz pagkatapos ng kanyang magiging bakasyon sa Amerika kasama ang kanyang ama.
Share on Google Plus

About ATBP Admin

0 comments:

Post a Comment