Sunshine Dizon ay Tinik sa Dibdib!


Mukhang mapupurnada ang plano ng GMA Network na panatilihing number 1 ang Kapuso network sa afternoon slot nito ngayong napabalitang out na sa teleseryeng Tinik sa Dibdib ang lead actress nitong si Sunshine Dizon dahil sa problema sa tapings.

Laman ng maraming balita sa showbiz circle ang pagdadalang tao ng aktres ganun din naman ang personal problems nito na nagiging dahilan ng pagkakaroon niya ng problema sa pagpunta sa mga shootings nito para sa teleserye. Aalis ang aktres sa bansa para puntahan ang kanyang ama sa Amerika. Nananatili namang pending pa rin ang paghahanap sa papalit sa role na iiwan ni Sunshine Dizon.

Photo Credit: GMAPinoyTV.com
Share on Google Plus

About ATBP Admin

0 comments:

Post a Comment