Kris Aquino vs Ate Vi


Nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng Star Cinema at isang international film company para sa isang pelikula tungkol kay dating pangulong Cory Aquino. Kaya naman, ngayon pa lang, usap-usapan na kung sino ang gaganap sa papel ni Tita Cory.

Inilabas na rin ang music video na star-studded para sa kampanya ni Noynoy Aquino sa pagka-presidente. At siyempre, gawa ito ng showbiz inclination ng kapatid niyang si Kris Aquino.

Sa kabila ng mga balita tungkol sa pamilya Aquino, mukhang nahaharap na naman si Kris Aquino sa malaking eskandalo versus sa pagiging taklesa niya.

Hindi kasi napigilan ng Taklesa Queen nang magbigay siya ng komentaryo hinggil sa papel na gaganap sa kanyang ina sa isang pelikula. Ayon sa balita, mas pinili ni Kris si Megastar Sharon Cuneta over The Star for All Season Gov. Vilma Santos. Hindi na sana nagbigay pa ng dagdag pang komentaryo si Kris pero sinabi pa nitong mas pinili nila si Tita Showie dahil sa multi-lingual ang aktres. Hindi tuloy maiwasang isipin ng lahat na supporter ni Noynoy si Sharon kesa kay Ate Vi.

Dahil sa negative na comment na ito ni Kris, umani tuloy ng maraming kritisismo sa kanya ang mga Vilmanians at iba pa na concerned sa pagtakbo ng kanyang kapatid. Nagdudulot kasi ng negative effect sa kampanya ni Noynoy ang pagiging taklesa ni Kris.

Ano kaya ang magiging sagot ni Kris sa mga ibinabato sa kanya?

Share on Google Plus

About ATBP Admin

0 comments:

Post a Comment