'Claudine', Tsugi na sa Siyete?


Mukhang matutuluyan na ngang matsugi sa ere ang kauna-unahang programa sa Siyete ng Optimum Drama Star na si Claudine Baretto. Ang kanyang Saturday drama anthology na 'Claudine' ay kinumpirma nang magtatapos ayon sa isang GMA executive na si Salve de Asis. Ayon sa kanya, hindi na raw kasi maayos ang schedule ng aktres sa pagitan ng drama anthology at ng pelikula nitong In Your Eyes.

Maraming espekulasyon na hindi ito ang totoong dahilan kung bakit matatanggal na sa ere ang 'Claudine.' Hindi naman kaila sa marami na mababa ang rating ng naturang programa at kailanma'y hindi nanalo sa katapat nitong program sa Dos na 'Maalaala Mo Kaya.'

Kasalanan din naman ng GMA kung bakit hindi tumabo sa takilya ang unang programa ni Claudine sa Kapuso Network. Hindi kasi ganoon ka pulido ang pagkakapromote ng programa. Compared sa mga programa ng primetime gaya ng Endless Love nina Mariane Rivera at Dingdong Dantes, hindi naging mabulaklak ang mga advertisements ng naturang programa. Ni hindi rin nakasama ni Claudine sa kanyang programa ang mga inaasahang makatrabaho nito sa Kapuso Network gaya nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Marian Rivera, Dingdong Dantes at iba pa. Maganda sanang pagkakataon kung saka-sakaling naging creative lang ang GMA sa programang 'Claudine.' Magkagayunman, nakatrabaho ni Claudine sa kanyang self-titled drama anthology ang kanyang real life husband na si Raymart Santiago, ang hottest young love team na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza at ang mga drama princes na sina Geoff Eigenmann at Dennis Trillo.

Ang tanong ngayon, ano naman kaya ang susunod na programa ni Claudine sa GMA na siyang papalit sa Saturday drama niya? At sana naman, maayos na ma-promote ng Kapuso network ang next show ng aktres ng hindi naman nangongolelat ang show nito.


www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

0 comments:

Post a Comment