Mo Twister, Suportado ng TV5 vs GMA-7


Sa kabila ng demanda na isinampa ng Kapuso Network kay Mo Twister at sa Kapatid Network, naniniwala pa rin ang TV5 na malulusutan ng host ang isyung ito. Suportado rin ng TV5 ang bago at kontrobersyal nitong talent na si Mo Twister sa anumang hakbang nito patungkol sa demanda ng GMA Network.

Sa ngayon, pansamantala munang mawawala si Mo sa late night showbiz talk show na 'Juicy' na naging request na rin naman ng TV host. Ang naturang hakbang ay maaring naging sagot ni Mo at TV5 sa temporary restraining order (TRO) na siyang hinihingi ng kampo ng Kapuso Network.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Legal department ng Kapatid Network sa abugado ni Mo para sa mga plano't hakbang sa career ng TV host-DJ.


www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

2 comments:

  1. leche sya lumipat pa kasi siya ang tanga nya naman!! sobra dj mo tanga i hate that guy!!!!!!

    ReplyDelete