Vic Sotto and Bong Revilla sa MMFF's Ang Agimat ni Enteng


Matapos ang mga sunud-sunod na taon kung saan naging blockbuster ang mga movies nina Vic Sotto at Bong Revilla under their own film outfits, magsasanib pwersa ang dalawa sa upcoming Metro Manila Film Festival entry nila! Sanib pwersa din ang kani-kanilang mga film outfits including their home network's official film outfit - GMA Films, Imus Productions, M-Zet, APT at OctoArts.

Isa ang Ang Agimat ni Enteng sa napili ng committee ng Metro Manila Film Festival na makasama sa walong entries para sa naturang film festival. Ang pelikulang ito ang unang pagsasama ng dalawang gigantic Pinoy actors sa iisang pelikula kaya naman higit na malaki ang espektasyon ng mga tao sa proyektong ito.

Bukod sa Ang Agimat ni Enteng, kasama sa shortlisted ng MMFF ang Ang Tanging Ina Mo Rin (Last na to!) ni Ai Ai Delas Alas ng Star Cinema, Dalaw ng Cine Media, Father Jejemon ni Dolphy under RVQ Productions, Rosario ng Cine Mabuhay, RPG ng Star Cinema, Shake, Rattle and Roll ng Regal Films at Super Inday and The Magic Bebe ni Marian Rivera under Regal Films.

www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

1 comments: