ABS-CBN, naghigpit na ng talents?


Naging maluwag ang Kapamilya TV Network na ABS-CBN sa pagpapahiram ng mga talents nito sa mga kalabang estasyon particularly sa Kapatid TV Network na TV5. Ngunit isang insidente ang nagpagiba sa open system ng ABS-CBN pag dating sa mga talents nito. Hindi kasi pinayagang umere ang talent nitong si Donita Rose para sa isang birthday greeting sa best friend nitong si Ruffa Gutierrez na nasa TV5.

Tanging ang ABS-CBN lang ang may pinakamaluwag na patakaran noon patungkol sa pagpapahiram ng mga talents nito sa kabilang estasyon as compared sa Kapuso TV Network na lubhang napakahigpit. Hindi kataka-takang napuno ng mga young Kapamilya stars ang TV5 noon. Pero ngayon nga't nagsisimula nang maging isang threat sa kanila ang third network, nagsisimula na rin silang pagbawalan ang mga talents na lumabas sa kabilang estasyon.

Wala talagang freedom sa showbiz. Mahilig kasi ang mga TV networks sa 'exclusivity' na nagbubunga lamang ng pagkakatali ng sarili nilang mga talents.Mas makakabuti sana kung may malayang patakaran sa pagbisita ng mga talents sa iba't ibang estasyon para maging mas makulay ang kumpetisyon.

Kayo? Ano ang tingin niyo sa hakbang na ito ng ABS-CBN?

Share on Google Plus

About Fjordan Allego

1 comments:

  1. isa isa nang umaalis ang mga artista ng abs kc lumaki ksi ulo ng channel 2 nung no.1 sila eh ngayon third nalang at saka carma na rin sa abs yang mga pagkatalo nila ksi LUMAKI KSI UNG ULO NG ABS YAN MGA ABS SCUM BUGS HAHAHA BUTINGA SAINYO ABIAS CBN

    ReplyDelete