Willie Revillame, May New Game Show sa TV5?


Mukhang tuloy na tuloy na ang bagong programa ni Willie Revillame na though wala pa talagang confirmed na title at network na maghahandle nito, sure na sure naman na ang sarili nitong produksyon - ang Wil Productions - ang mismong magpoproduce ng sarili niyang show.

Ilan sa mga staff ng Wowowee ang nirekrut di umano ni Willie Revillame para sa bago niyang show na bulung-bulungan na mapapadpad sa TV5. Wala rin sa mga dating mga co-hosts ni Willie ang narekrut sa bagong show niya sa Kapatid Network at malakas ang bulung-bulungan na ngayong September na ito eere sa TV5.

Nagcomment naman na si Joey De Leon sa posibilidad na magkasama sila sa iisang network ni Willie.

“Okay lang, basta gusto ng network. Nagkatrabaho na rin kami ni Willie noon sa movies. Pero malabong mangyari 'yan ngayon kasi ang dami kong ginagawa. At saka hindi pa naman siya bumabalik, di ba? Bumalik muna siya. Basta ang format ‘Night and Day’. Ako yung sa Day, siya 'yung kasabay ni German Moreno. O, joke lang yan, ha. At saka hindi naman akong kaaway niya kundi si Jobert Sucaldito. Sila ni Jobert ang tanungin nyo kung willing sila magtrabaho sa isa’t isa. Tama na yang Joey-Willie. Luma na yan. Ang mas exciting ngayon, yung Angelica-Claudine.”

Hmm... Any comments about this new game show?

www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

1 comments:

  1. well!!! well!! well!!!!
    sobrang sayang talaga...yung wowowwee
    pero sana kahit saang network or kahit anong show pa yan bsta patuloy nyang mapa ligaya ang ating mga lolo at lola!! hehehe!!!!

    ReplyDelete