Cristy Fermin in Star Confessions


Ilang programa na rin naman na ang tumapat at gumaya sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Pinakamatinding nakalaban nito ang Magpakailanman ng GMA. Ngunit gaya nga ng madalas nating nasasabi, nothing beats the original. Kaya kahit na Magpakailanman ang nagpauso ng pagsasatelebisyon ng drama ng buhay ng maraming mga artista, namayagpag pa rin sa ere ang Maalaala Mo Kaya.

Ngayong patuloy ang pagbulusok ng ratings ng Kapatid Network, mukhang hindi pa rin nauubusan ang TV5 ng pag-asa sa pagtapat nito sa malalaking programa ng mga kalaban nitong studios. This time, tatapatan ng former Kapamilya entertainment host Cristy Fermin si Charo Santos sa pagsasa-ere ng Star Confessions.

Sa una nitong pag-ere, tampok sa Star Confessions si April Gustilo, ang 'Congratulations' girl ng Willing Willie. Gagampanan ni Arci Munoz ang buhay ng sikat na dancer. Kasama rin sa episode na ito sina Jaclyn Jose, Chubi del Rosario, Andrew Wolfe at Dianne Medina.

Si Roderick Paulate naman ang bida sa Shalala episode ng Star Confessions

Magsisimula na Star Confessions sa December 8, Wednesday, pagkatapos ng Willing Willie sa TV5.
Share on Google Plus

About ATBP Admin

0 comments:

Post a Comment