Goodbye, Pilipinas Win na Win!


Tuluyan na ngang matatanggal sa ere ang noontime variety program ng ABS-CBN na Pilipinas Win na Win. Makailang beses na rin naman itong iniwan at napalitan ng mga hosts. Originally, sina Kris Aquino, Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang ang mga hosts nito. Nang umalis sina Robin at Mariel, nag-decide ang management na ipasok ang OPM legends na sina Rico J. Puno, Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuniga na kinalauna'y tinawag na Hitmakers. Ito rin ang dahilan nang paglisan ni Kris Aquino sa naturang show.

Pinakahuli nang pumasok sa show ang komedyanteng si K Brosas. Pero wala rin namang nagawa ang mga hosts para ibalik ang dating sigla ng noontime show na Wowowee.

For the meantime, ang Showtime muna ang pupuno sa pagkakatanggal ng PWNW sa ere.
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

0 comments:

Post a Comment