Boracay Bodies party people sinamantala ang free day sa isla


Isang free day treat ang binigay sa Boracay Bodies party people na sina Victor Silayan, Wendy Valdez, Brent Javier, Krista Miller, Luke Jickain, Helga Krapf, Joross Gamboa at Ethel Booba matapos ang kaliwa’t kanang challenges na hinarap nila noong mga nakaraang linggo. Kasama sa treat na ito ang pagpili nila ng “partner” for the day at activity na gusto nilang gawin nang magkasama.

Anu-ano kaya ang pagkakaabalahan ng mga party people? Sinu-sino kaya ang magiging mag-partner? Ito na kaya ang hinihintay na pagkakataong magkabati ang magkakagalit at masulit ng mga nagkakagustuhan ang kanilang pagkakataong magsama sa isla?

Abangan ang pinaka-masayang treat para sa mga party people! Wag palalampasin ang second to the last party ng grupo sa Boracay Bodies, 9PM sa TV5.
Share on Google Plus

About Fjordan Allego

0 comments:

Post a Comment